Monday, February 12, 2007

saya maging sarcastic. .

ang sarap ngumiti.. kahit na halos mamatay ka na sa loob loob mo..
ang sarap tumawa.. kahit durog na durog ang pagkatao mo...

hindi ko naman kasalanan kung bakit ako nagkakaganito..
kailangan lang talaga.... sabihin na lang nating..
masimportante ka kesa sa nararamdaman ko...

sa totoo lang, hirap akong mahalin ka..
pano..
masyado kang maganda..
masyado kang mabait..
natural na maraming maghahabol sayo.. at ako?? sino ba ko??
wala lang, di ba?
ako lang naman yung taong laging andito sa likod mo..
never na naging katabi..
pano kasi.. wala akong lakas ng loob para tabihan ka.. kasi ..

alam ko namang itataboy mo din ako...

this heart.. it beats.. beats for only you....

ang daming nagsasabi, wala na daw ako sa sarili ko para mahalin ka.. baliw daw ako at sayang yung talinong dapat ginagamit ko sa sarili ko... sagot ko?
pinanganak ako para maging martyr.. nakita ko na yun, kay _ pa lang... at pag tinanong ako kung bakit? simple lang, mahal kasi kita.. kaya ganun....

ayako maghanap ng dahilan kung bakit mahal kita.. dahil sa totoo lang.. ayakong magsawang mahalin ka... masokista mang pakinggan, pero.. habang nilulubog mo ko sa lupa.. hindi nababawasan yung nararamdaman ko para sayo... oo, siguro, mahal nga lang talaga kita... ganito lang talaga siguro ang buhay ko no? nabubuhay ako sa kakaasa... sa kakaintay... [nga pala, para sa nangindian sakin kanina... bleeh.] ...

salamat pala dun sa driver nung fx na nasakyan ko pauwi.. salamat po sa payo.. buti na lang ako na lang yung natirang pasahero nung pinatugtog yung just so you know.. yung driver
saka yung asawa nya lang yung nakapansing umiiyak ako... ang bait nga nila eh.. tinanong nila ko kung anong problema.. binigyan pa ko ng advice... astig..

dapat nasa bahay na ko sa mga oras na to ehh.. sobrang pagod na pagod na ko.. gutom pa.. pero ayako masayang yung oras.. kasi kung ipagpapabukas ko pa tong nararamdaman ko, makakalimutan ko to... pero napaisip ako ngaun ngaun lang.. mas ok na nga siguro kung hindi ko na ilabas to.. nakakahiya naman.. pero sayang kasi.. ang dami ko  ng nasabi..

alam mo yung feeling na kausap mo yung mga taong mahal ng mahal mo, at wala silang idea sa tunay mong nararamdaman?? yung akala nila, ok ka lang.. pero sa loob loob mo.. naiiyak ka na... yun, yun yung mga times na napakasarap ngumiti... tapos sasabihin sayo nung isang mahal ng mahal mo...

"ang saklap siguro ng buhay mo no?"

oo, masaklap... sabay ngiti. =/

itatago ko lahat ng sakit sa mga tawa't ngiti ko.. sa tuwing nalulungkot ako, isusuot ko na lang yung maskara ko.. tatawa lang ako... hanggang sa mabaliw.. at makalimutan ang problema...

only one na naman.....

pag namatay kaya ako ngaun.. hahanapin mo ba ko bukas???
pag nawala kaya ako ngaun... iiyak ka ba? mamimiss mo ba ang isang katulad ko??
ano kayang laban ko sa mga taong nakapaligid sayo?? isa lang naman akong hamak na taong mahal ka... yun lang. wala akong kotseng maghahatid sayo pauwi... wala akong perang mabibili lahat ng gusto mo... cellphone ko nga sira GPRS eh..
ops. kung iniisip mo na sinasabi kong materialistic ka.. mali ka doooon.... sinasabi ko lang.. kung ikukumpara mo ko sakanila.. alikabok lang ako.. ni sa kuko nila sa paa wala akong laban... bampopogi nila aba... ako mukhang bisugo. hipon. sugpo. germs.

alam mo yung feeling na inis na inis ka sa mahal mo.. tapos.. isang.. "_?" lang sa txt.. wala na lahat ng inis mo?? amp...

haay... mahina talaga ko.. nakakaasar.... sinaktan na't lahat lahat.. eto parin.. nagmamahal... ang gulo... kaya ko nasasabihan na parang cryptex ah.. =/ nakkasar talaga...

pahawak ulit ng kamay mo... bigyan mo ko ulit ng dahilan para wag bumitaw...... T.T

No comments: