ewan. di ko maintindihan bakit ako gumagawa ng post ngaun. wala naman akong kakaibang nararamdaman. dapat gumagawa ako ng web page. pero nagbablog ako. tsk.
kasama ko mga kaibigan ko kahapon. apat kami. dalawa samin mag bf/gf. masaya sana kung hnd lang ako nakramdam ng matinding case ng nostalgia at slyt na 'sna-ako-din' syndrome. .
part 1. .
naalala ko. mga panahon na meron pa kong kahawak ng kamay. katawanan. hnd ko na maalala yung ibang detalye. pero sigurado akong, masaya ako nung mga panahon na un. hnd maiwasang mamiss. . 4 years na din ang lumipas. kun titignan mong maigi, wala akong dahilan para hnd mag yearn. tigang na lupa ang labas ko.
4 na taong tumulong sa relationships ng ibang tao. pero hnd hnanapan ang sarili ng partner.
4 na taong tumingin kung pano maglambingan ang mga kaibigan. 4 na taon din umiwas ng tingin.
4 na taong nagpapahiram ng balikat, panyo, tissue, unan, at pera [pang inom] para makalimot ang mga broken hearted na kaibigan. pero sariling puso hnd man lang pinaglamayan.
4 na taong sumayaw ng kun anu anong masasayang sayaw, pumalakpak, sumigaw, tumawa para sa kaligayahan ng mga kaibigan. pero sa sarili di magawa.
4 na taon. nagkagusto. nahulog. nagmahal. kinilig. nabasted. naurat. uminom. napraning. muntik magsuicide. tumawa. nabaliw. nalusaw sa tuwa. . ang dami palang nangyari. pero isa pa rin ang kinahantungan. 'wala'.
pero kamtutinkopit. hnd din pala totally wala ang napala ko sa mga pangyayari. marami din naman akong natutunan. mga bagay bagay na pwedeng gamitin sa pang arawaraw. nakakilala ng mga taong nagturo ng mga aral na talagang tumatak sakin. kaya. di ko din masasabing uber talo ko sa 4 na taon na un. sabihin na lang natin na, quits lang. XD
part 2. .
'sana-ako-din' syndrome. inggit for short. XD
uber masaya ako para sakanila. . ang kyut nga nung dalawa. hehe. di ko lang tlaga mapigilang mainggit kasi, syempre, umamin nga, di ko magawa. kea asa akong dumating ako sa point na ganun. pero gustong gustong gusto kong sabihin sakanya yung nararamdaman ko, natatakot lang ako sa mga pwedeng mangyari. natrauma sa nauna, kumbaga. XD
namimiss ko kasi yung mga panahong may katawanan ako. may kasabay sa lungkot. may kasuntukan XD. kaasaran. may kamay na hinahawakan. may ngiting inaabangan. at kahit mejo nakakaasar, yung panenermon, pagbabawal, namimiss ko din. kahit sanay nakong single. nkakamiss pa din.
sana masabi ko na nararamdaman ko. ok lang na masaktan. mas masakit para sakin ang pagsisihan na di ko nasabi sa taong mahal ko sya.
+ + +
i kras you.
i <3>
you can pretend to like me.
or you can hate me for what i said.
either way,
id still lurve you.
+ + +
Thursday, March 8, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment