ang araw na to.
magulo. malabo. masyadong komplikado. daming nangyari....
umaga.
gumising akong hnd maganda ang pakiramdam. palibhasa'y alas two na umuwi kagabi. nilagnat. ang bigat ng pakiramdam paggising.
pero imbis na magpahinga't humiga sa kama. tumayo. nag internet. ok ang lahat.
ng biglang......
ngtxt sya.
hnd ko sineryoso yung sinabi nyang magttxt sya ngayon. iniwasan ko na ding umasa. kaya ayun. sobrang nagulat ako sa mga pangyayari. ngxt siya. nagreply ako. nagreply sya. nagtxt ako. daming napagkwentuhan. daming nalaman. kala mo hnd malungkot. kala mo hnd nasaktan.
sa gitna ng kwentuhan. tinanong ko yung number nung bago niyang mahal. may ipapasa lang ako. [actually, alam ko na talaga yung number non. nag anga angaan na lang ako para wala lang.] ... pagkakuha. txt kagad ako. sabi ko may sasabihin lang ako. yadayadayada. blahblahblah. pinasa ko yung nagawa kong 10 bagay na dapat alalahanin kapaga mamahalin mo si... hnd ko na dapat pinasa yon. pero. wala lang. ayako lang na burahin sa archives ko na hnd naisesend sa kinauukulan. pagksasend ko. nagpasalamat si bago niya. ayun. dahil dun naging close kami ng wala sa oras nung bago niya.
at aun. txt txt.
hapon.
nagtxt bigla si secret. nagyaya. punta daw kami sa chuva sa chuva. magchuchuva daw kami. natuwa ako. napangiti. nagreply ako. sabi ko... yun. hehehe. basta. masaya ko nun kasi 1st time kong mayaya sa ganun. yung tao pang ano ko yung nagyaya. XD basta. un na un.
dumating yung friend ko. nanood kami ng mga dance movies. kailangan kasi ng steps pra sa debut ng bunso ng barkada.3 movies yun. at dalawa sa movie na un. wala kaming nakuha. dahil, una, hnd kami mga barista sa bar. at pangalawa, hnd ballroom ang gs2 naming sayawin. pangatlong movie. may steps kaming nakuha. mejo komplikado nga lang.
kapraningan ? desperado ? o talagang miss ko lang talaga siya.
nakaisip ako ng paraan para makatxt ko siya. sabi ko. loloadan ko sya kasi may tatanong ako. pinaloadan ko siya 25. ang tagal bago magtxt. lumabas ako. punta ko kapitbahay namin...
me: /name/ anong number nung pinaloadan ko ?
siya: 0916....
me: teka.. 916?
siya: oo.
me: ay mali !!! ang tae. 0906 pala...... paload ulit. pls ?
siya: sige sige...
makalipas ang ilang minuto, nag unli sya. nakatxt ko siya. at nadiskubre kong tama pala yung unang paload ko. pinerahan lang ako nung kapitbahay ko. tsk.
gabi.
magkatxt kami. ang saya. namiss ko talaga siya. may reverse psychology pa kong nalalaman, 'hnd kita namiss. pramis'. tae. para kong balik high school. ang cheesy ko.
daming trip. parang mga ewan lang sa asaran. kalagitnaan ng asaran bumalik un asar na urge ko para umamin. or at the very least, ayain syang lumabas.
idle fingers. di ko alam. bigla na lang akong nagtanong kung kelan sya free. nagpatawa pa si loko, nireply, 'palagi naman akong malaya ah' [or something like dat.]... natawa ako. naisip ko wala na ring sense kun di ko pa itutuloy. so sige... tinanong ko din siya. nagreply. kinabahan ako. binigay ko sa friend ko. siya kumausap. XD [yes. ang torpe ko. oo.]
hnd ko na ikukwento yung iba. basta. ganun. XD
+ + +
siguro nga masaya ako ngaun. dahil sa mga nangyari. uber saya. di na ko makatulog. XD na naman. pero oks lang. alam kong makakatulog din ako.
wish ko lang. wag munang mawala tong feeling na to. hanggang sa susunod na masayang usapan namin...
sana...
+ + +
Thursday, March 15, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment