Tuesday, May 22, 2007

dog of flanders. (kaw naman si patrash. harhar.)



'kapag may nakilala kang katulad ko at minahal mo. .


sasaya ako. . .


kapaga may nakilala kang kapalit ko at minahal mo. .


sasaya ka. . .'


- - abigail floreen





yan yung nakasulat sa huling letter ni abi sakin. sa totoo lang. nainis ako sa sinabi nya. di ko kasi nagets nung una. alam naman kasi nyang bobo ako sa music e. tas ganyan sya makasulat2... pag nagkita talaga kami nun. kakaltukan ko un.





.kapag.nagkita kami.





march 23.


dala ang matinding saya na dulot ng excitement. . .





'sa wakas. magigng kami na. una ko sya. una nya ko. . ang saya saya.'





swear to God. kung di lang ako naunahan ng hiya sumayaw na ko ng hokey pokey nung mga panahon na un. .


nagmamadali akong pumunta sa bahay nila. excited sa maraming bagay. naiihi. jusko. mixed emotions na. . .





hnd na ko nangatok. alam ko namang inaasahan na ko ng pamilya nia. . basta dire2cho akong pumasok. sa gate. sa pinto.


at dun. nakita ko. yung mommy ni abi. nakaupo sa sofa nila. umiiyak. nilapitan ko siya. tinanong kung anong problema.matagal bago sya nakasagot.hnanap ko si abi. lalo syang naiyak. nagtanong ako ulit. napraning ako sa sinagot nya.





ayako ulitin yung sinagot ng mami nya. dahil maalala lang nga naiiyak na ko. isusulat ko pa. lahat ng bagay tumigil para sakin. parang lasing. parang praning. parang adik. suicidal. lito. baliw.





hnd ko alam yung irereact ko. nakakapraning isipin na yung pangarap ko nawla.





gs2 ko sya makita. yan lang yung nasabi ko pagkalipas ng ilang minutong pagkapipi. tumango lang mami nya,. dinala ako kung nasan si abi. pagdatin dun. dna napigilan ang mga luha,.





mahirap para sakin na gawin tong blog na to. mahirap alalahanin yung mga sandaling alam kong hnd ko na pwedeng ibalik. pero. gs2 ko kasing magpasalamat kay abi. at gs2 kong gawing daan tong blog na to para pasalamatan siya. sa lahat.





abi.


salamat a. talaga. seryoso. as in. grabe. hehe. namimiss na kita. yung mga expressions mong walang palya. mga mura mong walang kasing lutong. at mga pananakot at pananakit mong walang katulad. este. may katulad na pala yung panankit mo. hehehe. naalala ko yung tinulak mo ko sa gutter sa tapat ng bahay nio dahil sa selos. loko ka. wag ka magdeny. dumugo ng isang linggo yung sugat ko nun.





pinakikinggan ko yung ingat ka ng silent sanctuary ngaun kasi iniisip ko baka marinig mo. para sayo un e. haha. kaso asang matanggal ng gamot pag nilagnat ka. hahaha. tas yung ferris wheel... haha. kala mo. dun kita unang nakitang namumutla. ako din e. hahahahahaha ! patawa ka kasi e.





'hinay2 lang sa kape. lalung lalo na sa tanghali.'


dka naman nagkakape. sa milo. oo. haha. bata ka e. dba sinabuyan mo ko ng mainit na milo nung isang beses. tinawag kasi kitang patrash. buti di nalapnos balat ko.





pag galit ka. dmo napipigil sarili mo. nananakit ka kung gs2 mo. kung tutuusin. di dapat kita mamahalin e. maangas ka saka masyadong brutal. nakakatakot ka. pero. kasi. ewan. nakita ko sayo yung lahat ng gs2 ko sa isang tao. plus nakakatawa ka talaga. lalo na kapag nagagalit.





minahal kita.


iniwan mo ko.


nagluksa.


nagmahal.


minalas.


LOL.


patawa ka din hanggang ngaun e no ?





pero eto pramis.


salamat talaga.


ngaun ko lang nagets yung sinabi mo.





hnd pala si ano yung pinapakilala mo sakin. si ano pala. haha. toinkz talaga ako. sabi sayo bobo ako sa math e. linawin mo kasi.





basta.


sobrang maraming salamat sayo. abi.


d talaga kita kakalimutan.






this is still not goodbye. .



pramis pag nagkita tayo. marami akong kukwento sayo.

sige na. this time. sagot ko na gulaman.



^-^


No comments: